Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Calendar

Metro
Rider utas sa RIT sa Malate
Jon-jon Reyes
Oct 5, 2024
266
Views
DEAD-on-the-spot ang isang lalaking rider matapos pagbabarilin ng hindi nakikilala at nakatakas na riding-in- tandem (RIT) sa Osmena Highway corner Mataas na Lupa, San Andres, Malate, Manila noong Biyernes.
Kinilala ang biktima na si alyas Eugene.
Base sa kuha ng CCTV, binabaybay ng biktima ang southbound ng Osmena Highway lulan ng Honda Click (390-QTZ) nang biglang sumulpot at dinikitan ng mga suspek.
Walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.
Tumakas ang mga salarin sa hindi pa malamang direction bitbit ang ginamit na baril.
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025