RIT Source: File photo

RIT binaril lalaki, babae sa Rodriguez; mga biktima sugatan

Gil Aman Oct 29, 2025
251 Views

SUGATAN ang isang lalaki at babae matapos barilin ng isa sa dalawang riding-in-tandem suspek habang sa harap ng isang tindahan sa Phase 1K,Kasiglahan, Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal, Martes ng madaling araw.

Ayon sa Rodriguez Police, ang biktima ay kinilalang si Alyas Junie, na dinala sa East Avenue Midical Center sa Quezon City, at si Alyas Jennifer na dinala sa Ynares Medical Center Burgos sa Montalban, Rizal.

Ang mga biktima ay ginagamot sa mga tama ng bala sa katawan mula sa hindi mabatid na kalibre ng baril .

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing magkausap ang mga biktima bandang alas 12:40 ng madaling araw nang sumulpot ang itim na scooter sa harap ng tindahan ng isa sa biktima.

Agad bumaba ang suspek mula sa motorsiklo saka mabilis pinaputukan ang mga biktima.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi mabatid na lugar.

Agad nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy at makilala ang mga suspek sa pamamagitan ng CCTV footage, maging ang motibo sa pamamaril.

Nangangalap din ang imbestigador sa mga kamag-anak ng mga biktima para sa karagdagang impormasyon.