MPBL

Rizal naungusan ang Pangasinan

Robert Andaya Jun 6, 2024
110 Views

HINDI binigo ng Rizal XentroMall ang kanilang mga taga-suporta at naungusan ang Pangasinan, 76-74, sa isang makapigil-hiningang sagupaan sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang 1-2 punch ng Rizal na sina Alwyn Alday at Kenneth Agovida ang namuno sa atake ng Rizal para sa kanilang ika-pitong panalo laban sa apat na talo sa 29-team, two-division tournament na itinataguyod ni sportsman-politician Sen. Manny Pacquiao.

Si Alday ay umiskor ng 19 points para sa Golden Coolers, na lumamang 37-29 sa halftime

Gayunman, si Agovida ang napiling “Best Player of the Game” matapos ang 18 points, seven rebounds, five assists ar two steals.

Nagbida para sa Pangasinan si Hesed Gabo, na may 15 points, eight assists, three steals at two rebounds; at Michael Mabulac, na may 14 points, 10 rebounds at two steals.

Gumawa din sina Ed Daquiaog ng 11 points at five rebounds, at Ian Melencio ng 10 points at six rebounds.

Magpapatuloy ang aksyon sa MPBLsa gagawing mga laro sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Magtutuos ang Manila at Quezon City simula 4 p.m, Pampanga at Negros sa 6 p.m., at South Cotabato at Biñan sa 8 p.m.