Maraggun

Rizal palibot ng checkpoints

14 Views

TULOY ang paglalagay ng mga checkpoints sa Rizal na hudyat ng pagsisimula ng nationwide gun ban noong January 12 bilang paghahanda sa 2025 midterm elections.

Ginanap sa tapat ng SM City Taytay sa Manila East Road Taytay, Rizal dakong alas-8:00 ng umaga ang mga checkpoints.

Nagtungo ang PNP Deputy Regional Director for Operation ng Region 4-A na si P/Col. Dominic L. Baccay upang tunghayan at magbigay ng mensahe sa kahalagahan ng checkpoints.

Ang Rizal PNP katuwang ang Commission on Elections at Rizal police chief P/Col. Felipe Maraggun kasama ang iba pang mga ahensya ng gobyerno naglagay ng checkpoint sa mga strategic locations.

Tanging mga miyembro ng PNP, militar at mga miyembro ng government law enforcement agencies na naka-uniporme at habang nasa opisyal na tungkulin ang pinapayagang magdala ng mga baril sa buong panahon ng halalan.

“Sumunod sa lahat ng alituntunin ng Comelec upang magkaroon ng payapa at maayos na pagsasagawa ng national at local elections,” sabi ng PNP provincial director.