Oplan-baklas

Rizal police nag-Oplan Baklas

25 Views

NAGSAGAWA ng Oplan Baklas ang Rizal Police Provincial Office noong Biyernes sa pangunguna ni P/Col. Felipe Maraggun, Rizal police chief, at P/Lt. Col. Larlo Solero, chief of police ng Taytay.

Alinsunod sa COMELEC Resolution No. 11086 ang Oplan Baklas na nagma-mandate na kinakailangang alisin ng mga kandidato at partido pulitikal ang mga ipinagbabawal na campaign materials 72 oras bago ang opisyal na pagsisimula ng campaign period.

Ang Oplan Baklas naglalayon na matiyak ang pag-alis ng mga illegal campaign materials sa mga lugar na hindi pinahihintulutan base sa COMELEC guidelines.