robin

Robin, ’wag husgahan — Cesar

Vinia Vivar May 11, 2022
279 Views

Cesar montanoSa gitna ng mga nagpo-protesta sa pangunguna ni Robin Padilla sa mga senatoriable nitong katatapos na eleksyon, naglabas ng mahabang paliwanag at pagtatanggol ang kanyang kapwa aktor na si Cesar Montano.

Sa Facebook post ni Cesar last Tuesday, inisa-isa niya kung bakit ibinoto si Robin ng mga tao.

“Our incoming Senator Robin Padilla is number 1 because of the majority number of votes of the Filipino people. Tayo pong lahat ’yun, bumoto sa kanya o hindi, tayo ’yun. We have to respect it , the way you want your own right to get respected. Hindi naman nangyayari po ’yung gusto ng isa eh gusto rin ng lahat. Pero kailangan natin irespeto ang napili ng nakararami. Batas po ’yan ng tao at batas din ng Diyos,” ang simula ng post ni Cesar sa FB.

Ayon sa aktor ay witness siya sa pagiging matulungin ni Binoe kaya naniniwala siya sa kakayahan nito.

“Naniniwala po ako na marami pong maitutulong si Sen Robin sa bansa natin. I saw him how he helped and supported the needy & under-privileged filipino people several times noong sya po ay isang simpleng artista lamang. I am a living witness.

“Hindi lang po nya ugali ang ipag-ingay sa media kapag tumutulong sya. Unless other people do it for him. But he doesn’t toot his own horn. Sa simpleng pagkatao nya, alam nya ang tunay na problema ng mga pilipinong mabababa at hirap. At may solusyon si kapatid na Sen Robin sa mga ito,” papuri ni Cesar kay Robin.

“We all know we had senators from past & even present, matatalino at mga abogado pa ang iba. Pero walang ginawa kundi mamulitika & all selfish ambitious agenda. Pinagsisihan natin ang pagboto sa kanila. Maliwanag po na hindi lamang katalinuhan o diploma ang hinahanap nating katangian para sa ating mga karapatdapat na senador sa ating bansa. Kundi may tunay at ginintuang puso para sa karapatan ng mga mamayang Pilipino.Lalu na para sa mga inaaping mga manggagawa, mangingisda, at mga magsasaka,” patuloy ni Cesar.

Huwag daw muna nating husgahan si Robin at hintayin na lang natin kapag nakaupo na ito. Ipinahatid din niya ang kanyang pagbati sa kapwa-aktor.

“Hintayin lang po natin kapag nakaupo na si Sen. Robin. It’s unfair to judge him now. Mabuhay ka Kapatid na Senator Robin Padilla!!! Marami kami na nagmamahal sa’yo,” pagtatapos ni Cesar.