Romero1

Romero ibinida accomplishments sa ilalim ng 1st Regular Session ng Kongreso

Mar Rodriguez Jun 28, 2023
162 Views

IBINIDA ng Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation ang mga accomplishments ng 1-PACMAN Party List Group sa nakalipas na session ng Kamara de Representantes sa ilalim ng 1st Regular Session sa pamamagitan ng mga naipasang panukalang batas nito.

Sinabi ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., Chairperson ng Poverty Alleviation Committee sa Kamara, na kabilang sa mga panukalang batas na inihan nito at naisabatas sa ilalim ng 1st Regular Session ay ang pagbibigay ng 20% discount para sa mga kinukuhang requiremets ng mga nag-a-apply ng trabaho tulad ng NBI at Police Clearance.

Ayon kay Romero, sa pamamagitan ng nasabing panukabang batas na pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa bago ang Sine-Die-Adjournment ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Malaki aniya ang maitutulong nito para sa mga indigent Filipinos na naghahanap ng trabaho at kumukuha ng mga requirements.

Bukod dito, ipinabatid din ni Romero na naisabatas na rin ang kaniyang panukala kaugnay sa 4Ps o nagsusulong ng Alternative Learning System (ALS) Entrepreneurship Employment na nakapaloob sa House Bill No. 8497 na pumasa na rin sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara.

Kabilang din sa mga naipasang panukalang batas na inakda ni Romero ay ang House Bill No. 443, House Bill No. 500, House Bill No. 1910, House Bill No. 3008, House Bill No. 3458, House Bill No. 4973, House Bill No. 5410 at HB No. 6104.

Nabatid din kay Romero na kabilang din sa mga panukalang batas na pumas na sa Kamara ay ang House Bill No. 131, HB No. 3678, HB No. 5184, HB No. 5562, HB No. 5753, HB No. 6602 at HB No. 7184 na nagbibigay ng libreng “funeral services” sa mga lubhang mahihirap na mamamayang Pilipino.

“The DSWD will shoulder the free and discounted funeral service given to the poor. This benefit can only be availed of only one (1) family member per month except in exceptional case such as but not limited to natural calamities,” Paliwanag ni Romero.