Romero1

Romero naghain ng panukalang  batas para solusyunan malnutrition

Mar Rodriguez Oct 25, 2023
259 Views

ISINULONG ng Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang isang panukalang batas sa Kamara de Representantes para tugunan ang matinding suliranin ng bansa patungkol sa malnutrition ng mga kabataang estudyante.

Inihain ni Romero ang House Bill No. 866 para solusyunan ang problemang kinakaharap ng bansa hinggil sa malnutrition. Kasabay ng pagbibigay diin ng kongresista sa pagpapanatili ng “health at nutrition” ng mga batang mag-aaral bilang bahagi ng programa ng pamahalaan.

Dahil dito, iminumungkahi ni Romero ang pagkakaroon ng “nationwide feeding program” para tugunan ang problema ng malnutrition o ang kawalan ng sapat at masustansiyang pagkain para sa mga kabataang estudyante.

“Therefore, it is imperative that this Food Feeding Programs be made continues to achieve the appropriate nutritious status.” Ayon kay Romero.

Ipinaliwanag din ni Romero na sa kasalukuyan ay mayroong feeding program ang ilang government agencies. Subalit isinasagawa lamang ang nasabing programa sa mga piling paaralan at hindi lahat ng mga eskuwelahan.

Nakapaloob sa panukalang batas ni Romero na P30.00 ang ilalaan na minimum budget para sa mga estudyante. Kung saan, ang mga Local Government Units (LGU’s) naman ang maghahanap ng venue para sa feeding program.

Sa ilalim ng panukalang batas ni Romero, makikipag-ugnayan ang mga LGU’s sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Education (DepEd) para sa listahan ng mga estudyante na isasama sa feeding program kabilang na dito ang frequency ng gaganaping feeding session.