Romero

Romero naglunsad ng “free sports clinic” para sa mga kabataan sa GenSan

Mar Rodriguez Oct 14, 2023
347 Views

Romero1Romero2Romero3UPANG maiiwas ang mga kabataan mula sa labis na pagkalulong sa illegal na droga at “online sabong”. Inilunsad ni 1 PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang iba’t-ibang larangan ng sports sa General Santos City sa pamamagitan ng “free sports clinic”.

Ayon kay Romero, kilalang sports enthusiast, layunin ng inilunsad niyang programa na mahubog ang mga kabataan sa larangan ng sports partikular na sa aspeto ng boxing at Muaythai o kick boxing para mailihis sila sa masasamang bisyo katulad ng ipinagbabawal na gamot at online sabong.

Naniniwala si Romero na malaki ang maitutulong ng kanyang programa para makahubog ng susunod na boksingero na tulad ng pambansang kamao na si dating Senador Manny “Pacman” Pacquiao at isang mahusay na atleta sa larangan naman ng Muaythai.

Sinabi ni Romero na sinimulan niya sa General Santos City (GenSan) ang kaniyang programa sapagkat kilala aniya ang lalawigan bilang lugar ng mga mahuhusay na boksingero na tulad nina Pacquiao at dating World Boxing Champion na si Rolando Navarette na tinaguriang “Bad Boy from Dadiangas” na dating pangalan ng GenSan.

Bingyang diin ng kongresista na layunin niyang makahubog mula sa GenSan ng susunod na “World Champion” na magbibigay ng malaking karangalan para sa Pilipinas sa larangan ng sports.

Kung kaya’t puspusan aniya ang kaniyang pagsisikap na magkaroon ngmga kahalintulad na programa sa iba’t-ibang panig ng bansa.

“Ang bawat medalyang tinatamasa natin ay bunga ng matinding suporta natin para sa Philippine sports. Ito’y bunga din ng ating pagsisikap at sipag para muli tayong makahubog ng mahusay na atleta na kagaya nina Manny Pacquiao at Rolando Navarette,” ayon ay Romero.