Romero

Romero: Pambubudol sa online selling masasawata dahil sa RA No. 11967

Mar Rodriguez Feb 14, 2024
150 Views

RomeroRomeroNANINIWALA si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., na unti-unti ng masasawata ang talamak na “pambubudol” at iba pang modus sa pamamagitan ng online selling dahil sa implementasyon ng Republic Act No. 11967 o ang Internet Transactions Act of 2023.

Ayon kay Romero, Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation at main author ng RA No. 11967, sa pagsasabatas ng kaniyang panukala. Inaasahan na magkakaroon na ng proteksiyon ang mga mamamayang Pilipino laban sa palasak na “panggo-goyo” sa social media o internet.

Sinabi ni Romero na ang pangunahing layunin ng nasabing batas ay ang mapangalagaan ang kapakanan ng mga consumers sa social media sa pamamagitan ng online selling. Kung saan, karamihan sa kanila ay walang habas na binibiktima ng mga mapagsamantala o pambu-budol.

Ipinaliwanag ng kongresista na bagama’t may mga umiiral na batas para mabigyan ng kaukulang proteksiyon ang mga consumers. Subalit nakakalusot parin umano ang ilang indibiduwal na nanloloko ng mga cosnumers kaya kailangan mas palakasin ang Consumers’ Righs and Protection.

Ipinahayag pa ni Romero na dahil lumalakas na ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng E-Commerce. Kinakailangang magkaroon ng batas tulad ng RA No. 11967 para mabigyan ng prteksiyon o seguridad ang mga mamamayan laban sa laganap na panloloko sa social media.

Nabatid din kay Romero na nakapaloob sa RA No. 11967 ang paglikha ng E-Commerce Bureau sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) na siyang responsable pagbubuo o pormulasyon ng mga patakaran, pag-identipika ng regulasyon at pamamahala sa reklamo ng mga consumers.

“Layunin nito batas na iankda natin na mbigyan ng proteksiyon an gating mga consumers at mapangalagaan ang kanilang kapakanan. Laban sa walang habas na panloloko ng ilang indibiduwal sa online selling,” sabi ni Romero.