Aid Personal na inabot ni PTFOMS USec. Paul Gutierrez ang P250,000 financial assistance mula kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kay Ginang Cherebel Jumalon, asawa ng pinaslang na broadcaster na si Juan Jumalon.

Romualdez nagpaabot ng tulong para sa pamilya ng pinaslang na broadcaster sa Mindanao

178 Views

Aid1PERSONAL na inabot ni Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) USec. Paul Guttierez ang P250,000 sa pamilya ng pinaslang na brodkaster na si Juan Jumalon na galing kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

“It’s difficult na biglang mawala ang bread winner ng pamilya dahil hindi alam ng mga naiwan kung papaano magsimula muli”, ayon sa statement mula sa Office of the Speaker.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga naulila ng broadcaster na mas kilala bilang “DJ Johnny Walker” kay Speaker Romualdez at sa lahat ng tumutulong sa kanila tulad ni Pangulong Marcos, ang pamahalaang panlalawigan ng Misamis Occidental, at ang Philippine National Police (PNP).

Si Jumalon ay pinagbabaril sa loob ng kanyang radio station booth habang naka-ere at live sa Facebook sa Misamis Occidental noong nakaraang linggo.

Nauna nang kinondena ng House Speaker ang pagpaslang sa naturang broadcaster.

Sinampahan na rin ng PNP ng kaso ang tatlong suspek sa pagkamatay ni Jumalon.

Anang lider ng Kongreso, “no matter what the motive behind this killing, the Philippine media lost another of its member”.

“We in congress will make sure this time, the protection of every member of the fourth estate from this senseless killings”, ayon pa mambabatas mula Leyte.