Romualdez: Teves dapat umuwi na

Mar Rodriguez May 11, 2023
125 Views

AMINADO si House Speaker Martin Romualdez na posibleng mapag-usapan sa nakatakdang bilateral meeting ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr at Timor Leste prime minister Taur Matan Ruak, ang tangkang paghingi ng asylum ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Sa panayam ng media kay Romualdez sa ASEAN Summit, sinabi nito na alam na ng Pangulo ang paghingi ng asylum ni Teves sa Timor Leste na hindi naman napagbigyan.

Kung matatandaan mula nang bumiyahe pa-Amerika si Teves noong Pebrero ay hindi pa rin ito umuuwi ng bansa kahit paso na ang travel authority na ibinigay sa kaniya, dahilan para patawan siya ng 60 day suspension ng Kamara.

Malabong naman aniyang hingin ni PBBM sa Timor Leste na isuko si Teves sa Pilipinas dahil wala rin namang extradition treaty sa pagitan ng dalawang bansa

“I think it’s not about the Timor Leste leader handing him over rather just observing that 5-day period because I don’t believe we have an extradition treaty per se that we can invoke. So they’ve done something very good which is to deny the request for political asylum and gave him a period of five days within which to leave the country.” saad ng House leader.

Handa namang pasalamatan ng House leader ang Timor Leste sa tugon nito sa naturang asylum application ni Teves.

Naniniwala kasi si Romualdez na imbes na magtago sa ibang bansa ay dapat talagang umuwi na lamang si Teves at harapin ang anomang alegasyong ibinabato sa kanya.

“So maayos talaga ang ginawa ng Timor Leste. They are on solid ground.Put is this way, I will thank him. It will not have to be necessarily the President. Ako as the Speaker, I will thank him because it’s been my position that Cong. Arnie Teves should come home and he should not be using the rights, immunities and privileges of a congressman to avoid or evade the wheels of justice or the long arm of the law so to speak” ani Romualdez.