Calendar
Sadorra, Barbosa, Bersamina nag 1-2-3 sa lista ng top chess players ng bansa.
Sadorra, Barbosa, Bersamina nag 1-2-3 sa chess
PATULOY na nangunguna sina GM Juliio Catalino Sadorra at WGM Janelle Mae Frayna sa hanay ng mga magagaling na chess players sa bansa.
Ayon sa pinakabagong listahan ng FIDE (International Chess Federation) para sa buwan ng Hulyo, nanatili ang 39-year-old na si Sadorra bilang No. 1 male chess player sa kanyang ELO ratings na 2559.
Kasunod niya ang kapwa GM na si Oliver Barbosa na may ELO 2433.
Pumangatlo naman sa listahan si IM Paulo Bersamina na may ELO 2431, kasunod ang pinakabagong GM ng bansa na si Daniel Quizon, na pang-apat sa ELO 2430, at IM Jan Emmanuel Garcia, pang lima sa ELO 2423.
Nasa ika-anim hanggang ika-10 pwesto sina GM Mark Paragua ( ELO 2418); FM Gian Karlo Arca (ELO 2410); IM Oliver Dimakiling (ELO 2402); GM John Paul Gomez (ELO 2400) at IM Michael Concio, Jr. (ELO 2396).
Samantala, kasama sa top 15 pwesto.sina GM Roland Salvador (2384), IM Ronald Dableo (2376), GM Darwin Laylo (2371), GM Richard Bitoon (2354) at GM Rogelio Antonio, Jr. (2354).
Wala naman sa listahan sina Asia’s first GM Eugene Torre at GM Jayson Gonzales, na kapwa matagal nang hindi naglalaro.
Samantala, nasa 1-2 pa din sa women’s division sina WGM Janelle Mae Frayna at WIM Jan Jodilyn Fronda.
Si Frayna ay may ELO na 2297 habang si Fronda ay nay 2115.
Kasama din sa listahan ng mga leading ladies ng Philippine chess sina WFM Shania Mae Mendoza (2069), WIM Cristine Rose Mariano (2029), WIM Mariee Antoinette San Diego (2007), WFM Cherry Ann Mejia (1991), WIM Bernadette Galas (1989), WFM April Joy Claros (1984), Jersey Marticio (1983) at WFM Ruelle Canino (1974).

