BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Mag-jowa wiz visible sa socmed mga ganap
Feb 23, 2025
Nagyayang mag-sex sa 2 bebot dedo sa kadyot
Feb 23, 2025
Calendar

Metro
Sakay sa MRT-3 libre hanggang sa huling araw ni PRRD sa Malacañang
Jun I Legaspi
May 27, 2022
276
Views
MAGPAPATULOY ang libreng sakay sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3) hanggang sa huling araw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.
Ayon kay MRT-3 general manager Mike Capati sa halip na itigil na sa Mayo 30 ang pagbibigay ng libreng sakay ay muli itong pinalawig ng isang buwan.
Libre ang sakay sa MRT-3 sa buong operasyon nito mula 4:40 ng umaga hanggang 10:10 ng gabi.
Sinimulan ang pagbibigay ng libreng sakay noong Marso 28 bilang bahagi ng pagdiriwang sa pagtatapos ng rehabilitasyon ng MRT-3.
Sa halip na itigil noong Abril 30 ay pinalawig ito muli ng isang buwan hanggang Mayo 30.
Mula Marso 28 hanggang May 24 ay mahigit 15.7 milyong libreng sakay na ang naibigay nito.
BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Nagyayang mag-sex sa 2 bebot dedo sa kadyot
Feb 23, 2025
Nanggulo habang may bakal, arestado
Feb 23, 2025
Kotse ng photojournalist pinasabog sa harap ng bahay
Feb 22, 2025