SSS

Salary loan ng SSS 60-segundo at 5 click nalang

174 Views

TATAGAL na lamang ng 60 segundo at limang click para makapag-salary loan sa Social Security System (SSS).

Ito ay para sa mga self-employed, voluntary, at overseas Filipino worker members.

Upang makapag-apply ng loan, kailangan lamang mag-log on sa My.SSS account ng miyembro sa website ng SSS o sa mobile application nito.

I-click ang “Apply for Salary Loan” at sagutin ang mga kailangang impormasyon. Kapag naipasa na ang aplikasyon ay makatatanggap ang nag-apply ng notification sa inbox ng account nito kung ito ay naaprubahan o hindi.

Ayon sa SSS hindi pa ito maaaring gawin para sa mga employee-member dahil kailangan muna itong sertipikahan ng employer.

Sa pagbabayad ng loan ay maaaring kumuha sa account ng SSS Payment Reference Number bago pumunta sa mga lugar kung saan magbabayad.