Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Salceda Albay Rep. Joey Salceda

Salceda nangunguna sa Albay gubernatorial race, Co namamayagpag sa pagka-bise gobernador – SWS survey

24 Views

NANGUNGUNA sa pagka-gobernador ng Albay ang kandidato ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) at kasalukuyang kinatawan ng probinsya na si Joey Salceda, batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon sa survey na isinagawa mula Marso 29 hanggang Abril 5, 2025, nakakuha si Salceda ng 44 porsyentong suporta mula sa mga botante, mas mataas kumpara sa 38 porsyento noong Marso, na katumbas ng humigit-kumulang sa 418,000 botante.

Malayo ito sa nakuhang 32 porsyento ni dating Legazpi City Mayor Noel Rosal (PDP-Laban), na tinatayang sinusuportahan ng 302,000 botante.

Si Salceda, isang beteranong politiko at ekonomista, ay matagal nang kinikilalang makapangyarihang pigura sa lalawigan.

Lalo pang lumalakas ang kanyang kampanya kasabay ng pagsisimula ng opisyal na panahon ng kampanya para sa lokal na halalan noong Marso 28–45 araw bago ang Mayo 12 na pambansa at lokal na halalan.

Si Rosal, na hinarap ang mga legal na hamon sa nakaraan—kabilang ang pagkakadiskwalipika dahil sa mga paglabag sa election code noong 2022—ay nasa alanganing posisyon ngayon, at nangangailangan ng mahigit 100,000 boto upang makahabol kay Salceda.

Sa labanan naman para sa pagka-bise gobernador, ang katambal ni Salceda na si Diday Co ang nangunguna sa mga botante, na nakakuha ng 37 porsyentong boto mula sa dating 30 porsyento noong Marso. Ito ay katumbas ng pag-angat ng 7 puntos, o tinatayang 350,000 botante ang sumusuporta sa kanya.

Si dating mamamahayag na si Jun Alegre (PDP-Laban) ay nananatili sa 18 porsyento o humigit-kumulang 173,000 botante, halos kalahati ng suporta na nakuha ni Co.

Ang politika sa Albay ay matagal nang kinikilala sa pagkakaroon ng mga matitibay na alyansa at kontrobersiyang legal. Si suspended Gov. Greco “Grex” Lagman ay umatras sa laban at nagpahayag ng suporta kay Rosal.

Parehong may kinahaharap na kaso sina Lagman at Rosal—nasuspinde si Lagman noong 2024 dahil sa alegasyon ng pagtanggap ng iligal na payola, habang si Rosal naman ay nadiskwalipika sa puwesto noong 2022 dahil sa mga paglabag sa halalan.

Ang mga isyung ito ay nagpapalala sa pagiging pabago-bago ng political landscape sa lalawigan habang nananatiling nangunguna si Salceda.

Matagal nang naiimpluwensyahan ng mga makapangyarihang pamilya ang politika sa Albay, na kinabibilangan nina Salceda at Rosal.

Habang papalapit ang halalan sa Mayo 12, patuloy na pinag-iisipan ng mga botante sa Albay ang mga kandidatong may malinaw na pamumuno, mahusay na track record sa pamahalaan, at kakayahang tugunan ang mga mahahalagang isyu gaya ng disaster resilience at climate change adaptation.

Ipinapakita ng pinakahuling survey na matatag pa rin ang suporta kina Salceda at Co, habang itinataguyod nila ang kanilang malawak na karanasan at mga inisyatiba para sa ikauunlad ng lalawigan.