Calendar
Sandara umaming naimpluwensiyahan ni Shan Cai
Viral ngayon ang video ni Sandara Park performing “Ni Yao De Ai (The Love You Want)”, isa sa OSTs (original soundtrack) ng hit Taiwanese series na “Meteor Garden.”
Ang nasabing iconic song ay inawit ni Sandara sa Kaohsiung New Year’s Eve Party sa Taiwan last January.
The video went viral dahil napakaraming netizens ang nag-reshare nito ngayon sa social media bilang tribute sa pumanaw na lead actress ng “Meteor Garden” na si Barbie Hsu.
Pawang lungkot ang naramdaman ng “Meteor Garden” fans habang pinapanood ang video ng performance ni Dara. Ang iba ay nagkomento pa na naiiyak sila.
Nagkomento naman si Sandara sa isang netizen na nag-reshare ng kanyang video at nagpahatid ng pakikiramay sa pagpanaw ni Barbie.
“Rest in peace Barbie Hsu. I got influenced by you since when I started my career. We will always remember you,” ang mensahe ng pakikiramay ng dating miyembro ng 2NE1.
Matatandaang pumanaw si Barbie nitong Feb. 2 habang nagbabakasyon sa Japan kasama ang pamilya. She was 48.
Kinumpirma ng kapatid ni Barbie na si Dee Hsu na pneumonia ang ikinasawi ng “Meteor Garden” star matapos itong magkaroon ng influenza.
Si Barbie ang gumanap na Shan Cai sa “Meteor Garden” kasama sina Jerry Yan (Dao Ming Si), Ken Chu (Xi Men), Vaness Wu (Mei Zuo) at Vic Chou (Hua Ze Lei).