Calendar

Sarah Discaya prayoridad pagtutok sa basic needs ng mga residente
ILANG araw bago ang botohan sa Lunes, hinikayat ni Pasig mayoralty candidate Sarah Discaya sa mga botante na suriin kung bumuti ba o hindi ang kanilang pamumuhay.
Ayon kay Disacaya, hindi lamang “good governance” ang kailangan ng mga taga-Pasig kundi kailangang maibigay sa kanila ang serbisyo at suporta para mapabuti ang kanilang kondisyon.
Ayon sa negosyanteng si Sarah, nais niyang maibigay ang totoong resulta sa mga taga-Pasig.
Pinakamahalagang kailangan aniya ng mga residente ng Pasig ang serbisyong kalusugan at disenteng matitirahan.
Naniniwala din si Sarah na dapat bigyan ng espesyal na atensyon ang mga nasa most vulnerable na miyembro ng komunidad lalo na ang mga underprivileged na residente ng lungsod at dapat tiyaking nakararating sa kanila ang suporta ng LGU.
Nangako ang “Team Kaya This” na gagawing “smart city” ang Pasig City gamit ang makabagong teknolohiya para mas mapabuti ang pagbibigay ng social services sa mga mamamayan.
Sa ilalim ng priority programs ni Sarah,magpapatayo ito ng 11-storey university building, 7-storey high school building, at up-to-date elementary building.
Kasama din sa kaniyang programa ang pagkakaroon ng contemporary 11-story hospital na may makabagong pasilidad na magbibigay ng libreng gamutan.