Caguioa

SC inanunsyo schedule ng bar exam

163 Views

INANUNSYO ng Supreme Court (SC) ang schedule ng isasagawang bar examination sa Nobyembre.

Batay sa Bar bulletin No. 6 na inilabas ni Associate Justice at 2022 Bar Exams chair Alfredo Benjamin Caguioa ang pagsusulit ay isasagawa sa Nobyembre 9, 13, 16, at 20.

Hindi naman inaalis ang SC ang posibilidad na magkaroon ng pagbabago sa isasagawang pagsusulit depende sa sitwasyon.

Ipagpapatuloy naman ng SC ang paggamit ng Examplify, isang secure examination delivery program na ginamit sa 2020/21 Bar Examination.

Ang mga examinee ay pupunta sa mga exam venue at gagamit ng kanilang sariling electronic device sa pagsusulit habang binabantayan ng in-person proctor at closed-circuit television cameras.

Ang software na gagamitin ay ibibigay ng SC sa mga examinees.