Leonen

SC sinuspendi pasok sa mga korte na apektado ng bagyo

Hector Lawas Sep 26, 2022
196 Views

SINUSPINDI ng Korte Suprema ang pasok sa lahat ng korte na apektado ng pananalasa ng bagyong Karding.

Sa isang memorandum, sinabi ni acting Chief Justice Marvic Leonen na suspendido ang operasyon ng mga korte sa Regions 3, 4 at 5, at National Capital Region sa Lunes, Setyembre 26.

Para sa mga lugar na hindi nabanggit, sinabi ng memo na binibigyan ng kapangyarihan ang Executive Judge na magdesisyon kung kailangang suspendihin ang pasok sa kanilang korte.