Hataman

Upgrading ng Basilan hospital hiniling

Mar Rodriguez Sep 23, 2022
119 Views

NAGREKLAMO ang isang Muslim solon patungkol sa kanilang napaka-lumang ospital sa Basilan dahil sa loob ng napaka-habang panahon ay hindi napaayos ng Department of Health (DOH) ang mga pasilidad nito.

Sa pagpapatuloy ng Budget deliberations sa Plenaryo ng Kamara de Representantes, ipinahayag ni Basilan Lone Dist. Cong. Mujiv Hataman ang kanyang reklamo kaugnay sa kalagayan ng Basilan Hospital.

Binigyang diin ni Hataman ng 24 na taon na aniyang nagtitiis at nagsa-sakripisyo sa kalagayan ng Basilan Hospital. Mula pa noong 1998 ay hindi man lamang nakatikim ng “upgrading” ang nasabing pagamutan.

Ipinaliwanag ni Hataman mayroong umiiral na batas na nag-aatas na magkaroon ng “upgrading” sa Basilan General Hospital.

Umapela si Hataman sa pamunuan ng DOH na sana’y pagtuunan na nila ng pansin ang BGH na matagal ng umaasam ng pagbabago para sa kapakanan ng mga taga Basilan.