Risa

Scam sa fintech gusto maimbestigahan ni Sen. Risa

61 Views

NAGHAIN si Sen. Risa Hontiveros ng resolusyon upang humiling ng imbestigasyon sa mga naganap na hindi awtorisadong transaksyon, scam at iba pang iregularidad na kinasasangkutan ng mga mobile financial services.

Sa Senate Resolution No. 1234, sinabi ni Hontiveros na kailangan suriin ang umiiral na mga patakaran at regulasyon na namamahala sa sektor ng financial technology o ‘fintech,’ dahil “walang legislative framework na naka-latag upang tiyakin ang katatagan at transparency, bumuo ng tiwala ng publiko, at isulong ang inclusivity kaugnay ng ganitong uri ng serbisyo.

“Mobile financial services have become a part of daily life for millions of Filipinos and the fintech sector has been an important driver of economic growth and financial inclusion.

GCash alone has an estimated 76 million users who posted P6 trillion worth of transactions in 2022 – that is almost equal to our national budget next year,” sabi ni Hontiveros.

Tinukoy ng resolusyon ni Hontiveros ang mga kamakailang insidente at isyu na nakaapekto sa ilang mga gumagamit ng fintech tulad ng kamakailang serye ng mga di awtorisadong transaksyon sa GCash kung saan ang pera mula sa mga GCash user accounts nailipat sa mga hindi kilalang numero ng telepono.

Ayon sa G-Xchange Inc., ang operator ng GCash, ang mga transfer resulta ng mga pagkakamali sa “on-going system reconciliation process” at sinabi din ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ang insidente isang “internal issue” at hindi hacking mula sa labas.

Binanggit sa resolusyon ni Hontiveros na “nagkaroon ng mga kahalintulad na insidente noong 2023, kung saan maraming GCash accounts ang naapektuhan ng mga ‘phishing attacks.’

Ang mga mensahe, ayon kay Hontiveros, ipinadala gamit ang isang device na tinatawag na International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catcher, na sinusubaybayan at ini-intercept ang mobile data traffic sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang cellsite.

“The list of risks and complications which threaten the earnings of mobile financial service users grows longer everyday. We urgently need upgraded policies to ensure that mobile financial service providers and fintech firms observe the necessary level of care and accountability in handling digital transactions,” diin ng senador.