Records

School records isinusulong ilabas kahit estudyante may utang

33 Views

ISINUSULONG ni Sen. Risa Hontiveros ang panukalang batas na nag-aatas sa mga paaralan na ilabas ang official student records ng mga estudyante o dating estudyante na financially incapacitated kahit mayroon pa silang hindi bayad na tuition at iba pang school fees.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1964 o Right to Student Records Act, ipagbabawal sa mga educational institution ang hindi makatwirang pagpigil o pagpapaliban sa paglabas ng official school records sa mga ganitong kaso.

Ayon kay Hontiveros, nananatiling hadlang sa pagtatapos ng pag-aaral ang kakapusan sa pera at may mga pagkakataon din na hindi nailalabas ang school records sa mga dahilang hindi makatwiran, kabilang ang mga sitwasyong nakahahadlang sa paglipat ng paaralan.

Sa panukala, maaaring magsumite ng written complaints ang mga magulang, guardian, estudyante at dating estudyante sa tamang education authorities.

Binibigyan din ng kapangyarihan ang Department of Labor and Employment, Commission on Higher Education, at Technical Education and Skills Development Authority na mag-imbestiga ng mga paglabag, magpataw ng administrative penalties, at subaybayan ang pagsunod ng mga paaralan sa batas.

Nilinaw ni Hontiveros na hindi pipigilan ng panukala ang mga paaralan na gumamit ng lawful at reasonable means para masingil ang mga hindi pa nababayarang obligasyon.

Sa halip, magtatatag din ito ng Student Records Assistance Mechanism na tutulong sa mga financially incapacitated na estudyante at dating estudyante upang mabayaran ang verified unpaid tuition at iba pang authorized school fees na kailangan para mailabas ang official records.

Ayon sa senadora, isang beses lamang maaaring ma-avail ang naturang assistance at direkta itong ibibigay sa kinauukulang paaralan.

Para sa tertiary education, pamamahalaan ito ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education, katuwang ang CHED at TESDA, habang para sa basic education ay pamamahalaan ito ng DepEd sa pamamagitan ng Government Assistance and Subsidies Office nito.

“This measure empowers parents, guardians, students and former students to file written complaints before the appropriate educational authorities and institutionalizes the authority of the Department of Education, Commission on Higher Education, and Technical Education and Skills Development Authority to investigate violations, impose administrative penalties, and monitor the compliance of educational institutions to ensure the Act is fully implemented,” ayon kay Hontiveros.