Sec. Frasco Makikita si DOT Secretary Christina Garcia Frasco kasama ang founder at CEO ng Belo Medical Group na si Dr. Vicki Belo, Managing Director Dr. Hayden Kho, Jr., Ayala Land Hospitality Creative Director Paloma Zobel de Ayala, Tourism Promotions Board (TPB) Philippines Chief Operating Officer Marga Nograles, at mga showbiz celebrities na sina Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach-Jauncey at Piolo Pascual. Kuha ni JONJON C. REYES

Sec. Frasco pinangunahan ribbon-cutting ng Belo NEXA

Jon-jon Reyes Sep 7, 2024
21 Views

PANAUHING pandangal si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco sa opening ng isang clinic sa Ayala Mall, Makati City kamakailan.

Sa kanyang talumpati, binati ng Tourism Chief ang Belo NEXA Clinic at Medical Group sa bago nitong branch.

Natanggap ng Belo NEXA ang Certificate of Registration nito mula sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) para tanghaling unang medical aesthetic clinic na nakarehistro sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Law (CREATE Law) bilang isang tourism enterprise.

Nauna nang lumagda ang DOT at Belo Medical Group sa isang Memorandum of Agreement upang mapahusay ang mga serbisyo sa turismo sa pamamagitan ng medical at wellness tourism.

Idineklara ang Belo Medical Group na unang DOT-accredited wellness clinic.

Binigyang-diin ng pinuno ng turismo ang positibong epekto ng bagong pasilidad sa mga mamamayang Pilipino at sinabing “nakikinabang ito sa milyun-milyong Pilipino dahil magdaragdag ng kita sa ating ekonomiya, makapagbibigay ng mga trabaho at higit sa lahat, maghahatid ng kaligayahan, pag-asa at kalusugan sa lahat ng darating sa mga pintuan na ito.”

Ang Belo NEXA nagbibigay ng surgical at non-surgical na serbisyo sa loob ng isang all-in-one na pasilidad.