Calendar
Sen. Alan Peter: Contempt vs ambassador dapat bawiin
APRUBADO kay Sen. Alan Peter Cayetano ang desisyon ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na bawiin ang contempt order kay Ambassador Markus Lacanilao.
Sa nakalipas na pagdinig, inakusahan si Lacanilao, ang special envoy on transnational crime, ng pagbibigay ng mapanlinlang na pahayag kaya na cite in contempt at tuluyang ipinakulong ni Sen. Imee Marcos.
Umamin si Lacanilao na hindi niya alam kung si Duterte naiharap na sa isang hukuman sa Pilipinas bagama’t siya mismo ang lumagda sa mga dokumento ng paglipat at personal na sumama sa dating Pangulo.
Ipinahayag ni Cayetano ang kanyang suporta kay Escudero at iginiit na malinaw ang mga tuntunin ng Senado: nasa kapangyarihan ng Senate President kung aaprubahan o hindi ang isang contempt order.
“Hindi ministerial… hindi ibig sabihin na forced ang Senate President pumirma,” paliwanag ni Cayetano.
Ayon sa senador, hindi bagong usapin ang nangyari.
“Hindi basta-basta lang pirma ng subpoena o contempt order,” anang senador.
Binigyan din ng katuwiran ni Cayetano si Sen. Marcos at ang iba pang senador na nagpahayag ng pagkadismaya kay Lacanilao bunga umano ng animo’y walang direksyon na mga sagot nito na parang nagsisinungaling na naging dahilan upang ipa-cite in contempt na siya.
“All members of the Senate are fully aware that… the power of a committee chairperson to order the arrest or detention… is subject to the approval of the Senate President,” sabi ni Escudero.
Para kay Cayetano, hindi lang tama ang ginawa ni Escudero dahil kinakailangan ito upang mapanatili ang kredibilidad ng Senado.
Sa pagbibigay ng due process kahit sa mga pinaghihinalaang nagsinungaling sa harap ng Senado, iminungkahi niyang muling pinagtibay ng institusyon ang kanyang paninindigan para sa katarungan at batas at hindi para sa pansariling interes o presyur mula sa pulitika.
Ang insidente nagbukas ng mas malawak na usapin hinggil sa papel ng pulitika sa mga pagdinig ng Senad lalo na sa nalalapit na halalan sa Mayo.