Makikitang nakikipag-usap si Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte kay Pangasinan Governor Amado Espino lll sa Provincial Capitol ng Pangasinan. Nasa larawan rin sinaSenator Ronald De La Rosa (left), Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil (2nd left) at UniTeam Senatorial Candidate Harry Roque. Kuha ni VER NOVENO

Sen. Bato sumama sa kampanya ni Mayor Sara

273 Views
o1
Iniinterview si Pangasinan Governor Amado Espino lll ni veteran journalist at People’s Taliba ace reporter Ryan Ponce Pacpaco sa courtesy call ni Lakas-CMD vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte sa provincial capitol ng Pangasinan. Kuha ni VER NOVENO

Sumama si Sen. Bato dela Rosa sa Mahalin Natin ang Pilipinas Ride (MNPR) ni vice presidential candidate Sara Duterte sa Pangasinan.

Ayon kay dela Rosa ang pagpapakita nito ng suporta kay Duterte ay kanyang pagtanaw ng utang na loob sa ginawa nitong pangangampanya sa kanya sa pagkasenador noong 2019.

“Malaki yong utang na loob natin sa kanya. In my own little way, maka-give back din ako sa ating pasasalamat sa kanya through doing the rounds with her,” sabi ni dela Rosa.

Dagdag pa ng senador: “Siya mismo yung umikot sa buong Pilipinas para ikampanya ako.”

Sinabi ni dela Rosa na malalim ang kanilang naging samahan ni Duterte mula pa noong naitalaga ito sa Davao City.

Kasama ni Duterte sa kanyang pangangampanya sa Pangasinan ang mga senatorial candidate na sina Harry Roque at Robin Padilla.