Calendar

Sen Raffy: Butas sa mga pantalan kasya kahit sasakyan
NAGBABALA si Sen. Raffy Tulfo sa bukas na daanan sa mga pantalan para sa ilegal na droga, baril, pampasabog at mga sasakyang ninakaw, bunsod ng kawalan ng sapat na teknolohiyang panseguridad.
“Walang problema doon sa mga passengers. Ang problema sa mga sasakyan. Pwede-pwede lusutan ng bomba, droga, explosives. At palagay ko, maging mga carnapped na mga vehicles, madaling i-transport,” ayon sa senador
Inamin ng Philippine Ports Authority (PPA) na karamihan sa mga terminal ng RORO walang X-ray machines para masuri ang mga sasakyan at kargamento.
Ipinunto ni Atty. Sheryl DeCosta ng PPA na may plano sila ukol sa seguridad kabilang na ang paggamit ng mga aso at port police.
Gayunpaman, agad itong kinuwestyon ni Tulfo: “Sorry ma’am, all you’re saying are just words. I want to be direct to the point. What can the people benefit from to ensure that the vehicles are safe?” tanong ng senador.
Nang tanungin kung may mga X-ray scanner na ba sa mga pantalan, nag-aatubiling sumagot si DeCosta at kalaunan inamin na: “Hindi po, Your Honor, sorry.”
Sinang-ayunan ito ni Angelus Greg Acob ng PPA’s Port Operations Services:
“To be honest po, wala po talaga. Wala pong X-ray,” sabi ng opisyal.
Ipinahayag ni Tulfo ang pagkadismaya sa tila pag-asa ng mga opisyal sa kautusan mula sa ibang ahensiya.
Bagama’t may agam-agam sa mataas na halaga ng mga X-ray machine, binigyang-diin ni Tulfo na mahalagang pamumuhunan angmga x-rays.
“It might cost $100 million or even less, depende sa brand… Mahal yan pero it’s a very important investment,” saad niya.
Kumpirmado ng PPA na may P1.35 bilyong badyet ito para sa 2025, pondo na, ayon kay Tulfo, dapat ilaan sa pagpapalakas ng pambansang seguridad.
“Paano kung gawa-gawa lang sa Recto ‘yang OR-CR na ‘yan?” tanong ni Tulfo. “Kulang. Turuan na kita.”
Iminungkahi niyang gumamit ng real-time digital verification system na ikinukumpara ang datos mula sa Land Transportation Office (LTO), Highway Patrol Group (HPG), at Department of Justice (DOJ).
“Kapag tinype yung OR-CR doon, pag sinabi ng LTO good to, sinabi ng HPG clear to, go. Pag wala doon, tapos nag-hit sa HPG, don’t go,” paliwanag niya.
Kinatigan ni Usec. Mark Steven Pastor ng Department of Transportation ang argumento ng senador.
“We recognize, Mr. Chair, that there are lapses,” aniya.
Binigyan diin ng senador na mahalaga ang mga RORO port sa pagkonekta ng mga pangunahing isla sa bansa at sa pagpapatakbo ng ekonomiya.