Calendar
![Risa](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Risa.jpg)
Sen. Risa tinuligsa pag-aangkin ng Tsina sa WPS
PINURI ni Senador Risa Hontiveros ang isinagawang joint maritime exercise ng Pilipinas, Estados Unidos, Australia, at Japan, na aniya’y nagpapakita ng pandaigdigang pagkakaisa sa pagpapanatili ng isang malaya, bukas, at ligtas na Indo-Pacific.
“Joint maritime activities like the MCA are always welcome. This shows that the Philippines is not alone in ensuring that the Indo-Pacific remains free, open, and secure,” ayon kay Hontiveros.
Binigyang-diin ni Hontiveros ang importansiya ng pagsasanib-pwersa ng apat na bansa na aniya ay nagpapalakas sa pandaigdigang pagtutol sa mga inaangking teritoryo ng Tsina sa West Philippine Sea, na tinawag niyang “baseless” at labag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
“This demonstration of solidarity strengthens the international consensus that the Chinese government’s territorial claims in the West Philippine Sea are baseless and in direct violation of the UNCLOS,” dagdag niya.
Binigyang-diin din ng senadora na ang naturang maritime exercise ay naaayon sa mga batas ng Pilipinas, partikular ang Philippine Maritime Zones Act. Ipinaliwanag niyang ang naturang batas ay isinulat alinsunod sa UNCLOS at sa 2016 Arbitral Ruling, na nagpawalang-bisa sa malawakang pag-aangkin ng Tsina sa South China Sea.
“The exercise also does reinforce legislation like the Philippine Maritime Zones Act as this measure was crafted in alignment with international law, particularly UNCLOS and the 2016 Arbitral Ruling,” ani Hontiveros.
Idiniin niya na ang Pilipinas ang may hurisdiksyon sa mga maritime feature at teritoryo sa kanlurang bahagi ng bansa, na sama-samang tinatawag na West Philippine Sea.
“The Maritime Zones Act also clearly established that the maritime features and territories that we claim on the western side of our archipelago are collectively known as the West Philippine Sea, which the Philippine government has jurisdiction over, not Beijing or any other regional power,” aniya.
Naging bahagi ng maritime cooperative activity noong Pebrero 5 ang Philippine Navy’s BRP Jose Rizal, U.S. Navy’s USS Benfold, Japan’s JS Akizuki, at Australia’s HMAS Hobart. Layunin ng aktibidad na mapabuti ang interoperability at palakasin ang defense coordination sa pagitan ng mga kaalyadong bansa.
Sa kabila ng pagtutol ng Tsina, iginiit ng Estados Unidos na ang kanilang naval operations ay alinsunod sa prinsipyo ng freedom of navigation sa ilalim ng international law. Sinabi ng U.S. 7th Fleet na ang ganitong uri ng ehersisyo ay patunay ng kanilang matibay na pangako sa seguridad at katatagan ng Indo-Pacific.
Mariin na isinusulong ni Hontiveros ang mas matibay na pandaigdigang kooperasyon upang harapin ang agresibong pagkilos ng Tsina sa West Philippine Sea. Hinimok niya ang pamahalaan na palalimin pa ang ugnayan nito sa mga kaalyadong bansa, binibigyang-diin na ang multilateral cooperation ay mahalaga sa pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas.