Calendar
Sentensyado sa droga nag-hide-and-seek, laglag sa parak
LAGLAG sa kamay ng batas noong Linggo ang lalaking nagtago ng dalawang taon matapos nasentensyahan sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga sa Las Piñas City.
Nagsimulang umiwas sa batas ang akusadong si alyas Christopher matapos masentensiyahan sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).
Dakong alas-10:30 ng umaga ng makatanggap ng impormasyon ang pulisya sa pagbabalik ng suspek sa Brgy. CAA kaya nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section at Station Intelligence Section ng Las Piñas Police na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.
Hindi na nakapalag si alyas Christopher nang isilbi sa kanya ng mga pulis ang warrant of arrest na inilabas ni Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Anne Beatrice Aguana-Balmaceda ng Branch 197.
Nakatakdang ilipat sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang akusado upang pagsilbihan ang sentensiya sa oras na maglabas ng commitment order ang hukuman