Calendar
Sexual assault suspek nasilo sa brgy hall
NADAGIT ng mga pulis sa loob ng barangay hall noong Biyernes ang 58-anyos na kelot na suspek sa paulit-ulit na sexual assault sa menor-de-edad na dalagita sa Valenzuela City.
Isinilbi ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento ang warrant of arrest galing sa Regional Trial Court (RTC) ng Valenzuela sa akusado dakong alas-6:30 ng gabi sa barangay hall ng Brgy. Malinta.
Sa ulat kay acting Northern Police District (NPD) director P/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Col. Talento na nakatanggap sila ng tip na naka-tambay sa barangay hall ang akusado ng tatlong counts ng sextual assault.
Nagtakda ang korte ng piyansang P540,000 para sa pansamantalang paglaya ng suspek na ngayo’y nakakulong sa custodial facility ng Valenzuela police.

