Shabu

Shabu na umaabot sa P.5M nasabat sa 8 drug suspek

Steve A. Gosuico May 3, 2025
43 Views

CABANATUAN CITY–Nasakote ng mga pulis sa siyudad na ito ang dalawang pinaghihinalaang tulak na babae at anim pang suspek sa parehong kaso at nasabat ang mahigit kalahating milyong pisong halaga ng shabu noong Biyernes.

Tatlong suspek ang nahuli sa San Antonio, dalawa sa San Leonardo at isa sa General Natividad na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 3.33 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P22,640.

Ayon kay P/Lt. Col. Renato Morales, hepe ng Cabanatuan police, natimbog ang dalawang babaeng suspek sa Brgy. Vijandre bandang alas-4:20 ng umaga.

Nakuha sa dalawa ang 71.40 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P485,520.

Nasa kustodiya ng mga pulis ang lahat ng nahuli at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

“Ang mga matagumpay na operasyon na ito patotoo na ginagawa ng pulisya ng ang lahat upang masugpo ang iligal na droga at maiwasan ang pagkasira ng buhay dahil sa paggamit nito,” pahayag ni Nueva Ecija police chief P/Col. Ferdinand Germino.