Calendar
Show of force sa Tagum City pruweba ng suporta ng mga kongresista sa mga proyekto ni PBBM – Frasco
𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠 𝗖𝗜𝗧𝗬 — 𝗔ng 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 “𝘀𝗵𝗼𝘄 𝗼𝗳 𝗳𝗼𝗿𝗰𝗲” 𝗻𝗴 𝟭𝟲𝟳 𝗺𝗶𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲𝘀 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝗶𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗙𝗮𝗶𝗿 (𝗕𝗣𝗦𝗙) 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗺 𝗖𝗶𝘁𝘆, 𝗗𝗮𝘃𝗮𝗼 𝗱𝗲𝗹 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗲 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗻𝗮𝘄 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝘀𝗼𝗹𝗶𝗱𝗼 𝗮𝘁 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗮𝘁 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗶𝗻𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗶 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 “𝗕𝗼𝗻𝗴𝗯𝗼𝗻𝗴” 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀,𝗝𝗿.
Ito ang ipinahayag ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco matapos siyang makibahagi sa pagdalo ng mga kapwa nito mambabatas sa BPSF sa Tagum City na pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kabilang sa mga dumalo ang dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd Dist. Cong. Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang lokal na opisyal ng Davao del Norte.
Ayon kay Frasco, hindi nagtatapos sa Tagum City ang pagpapakita ng suporta o “show of force” ng mga kongresista sa mga programa at proyekto ng administrasyong Marcos,Jr. bagkos kundi sa mga susunod pang pagkakataon para makapaghatid ng de-kalidad na serbisyo at paglilingkod para sa mga mahihirap na mamamayang Pilipino.
Kasabay nito, pinapurihan din ni Frasco sina Pangulong Marcos,Jr. at Speaker Romualdez bunsod ng matagumpay na paglulunsad ng BPSF sa Tagum City na isang indikasyon na seryoso ang gobyerno na wakasan ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng paghahatid ng tulong para sa libo-libong mamamayan na kasalukuyang sumasailalim sa labis na karukhaan hatid ng kasalukyang krisis.
Kabilang si Frasco sa 167 kongresista na dumalo sa BPSF na ginanap sa nasabing lalawigan. Kung saan, sinabi pa ng mambababatas na ito ang pinaka-malaking bilang ng mga kongresista na na dumalo sa BPSF mula ng simulan ang programa noong nakaraang taon na naglalayong matulungan sa pamamagitan ng financial assistance at iba pang pangangailangan ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
“Congratulations kina President Bongbong Marcos at Speakee Romualdez. Umaasa tayo na ito ang simula ng pagpapakita ng solidong suporta ng mga kasamahan kong congressman sa mga programang isinusulong ng pamahalaan para matulungan ang ating mga mahihirap na kababayan. Nakakataba ng puso na makitang full support ang House members sa mga BPSF,” sabi Frasco.
Umabot naman sa 250,000 residente ng Tagum City ang nabiyayaan ng tulong sa pamamagitan ng P913 milyong halaga ng cash assistance at serbisyo mula sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.
Sabi pa ni Frasco, nakahanda siyang dumalo sa mga susunod pang BPSF upang maipakita nito ang kaniyang suporta sa mga programa ng gobyerno na tulad nito kabilang na ang mga kapwa nito kongresista.