Tugade

Single ticketing system ipatutupad ng LTO sa 2023

164 Views

IPATUTUPAD ng Land Transportation Office (LTO) ang single ticketing system sa Metro Manila sa unang quarter ng 2023.

Ayon kay LTO chief Arthur Jay Tugade nagawa na ang draft ng memorandum circular kaugnay nito na tatalakayin kasama ang ibang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan sa Kamaynilaan.

Ang single ticketing system ay makatutulong umano sa pagpapatupad ng regulasyon sa trapiko sa National Capital Region.

“The idea is to clear the roads of irresponsible drivers. Mas mababantayaan nating maigi ang mga kalsada at ang pribiliheyo to drive ay ibibigay lang sa mga responsableng drivers,” ani Tugade.

Sinabi in Tugade na maayos din sa panukalang sistema ang hindi pagkakapantay-pantay ng multa gaya halimbawa ng hindi umano pagsusuot ng helmet na ang multa ay P300 hanggang P1,500 depende kung sino ang huhuli sa motorista.

Isang technical working group ang binuo ng Metro Manila Council upang isapinal ang polisiya.