SM Sa tulong ng mga employee volunteers mula sa SM City Marikina, nakatanggap ng Kalinga Packs ang mga residenteng apektado ng Bagyong Enteng sa Marikina.

SM Group ikinasa muli Operation Tulong Express sa kabila ng Bagyong Enteng

185 Views
SM1
Pinangunahan ng mga volunteers mula sa SM City Naga ang pagbabahagi ng Kalinga Packs para sa mga residenteng naapektuhan ng nakalipas na bagyo.

MULING ikinasa ng SM Foundation ang kanilang programang Operation Tulong Express (OPTE) bilang tugon sa Bagyong Enteng.

Pinangunahan ng mga employee volunteers ng SM Supermalls ang pamamahagi ng kalinga packs, na umabot sa mahigit 2,500.

Sa Marikina, higit sa 500 pamilya ang tumanggap ng mga kalinga packs na naglalaman ng essential goods. Ang tulong ay ipinamahagi sa mga barangay ng Tumana, Nangka, at Malanday.

Pinangunahan ng mga volunteers mula sa SM City Naga ang pagbabahagi ng Kalinga Packs para sa mga residenteng naapektuhan ng nakalipas na bagyo.

Pinalawak pa ng SM Foundation ang kanilang saklaw sa San Mateo, Rizal, kung saan mahigit 600 pamilya ang nabigyan ng tulong.

Nabigyan din ng kalinga packs ang mga nasalantang pamilya sa Naga City, kabilang ang 260 pamilya sa baran Igualdad, 300 sa Abella, at 725 sa Sta. Cruz.

Ang OPTE ay isang social good program ng SM Foundation katuwang ang SM Supermalls at SM Markets na layuning tumugon sa pangangailangan ng mga komunidad sa panahon ng kalamidad.