Manny Lopez Manila Rep. Manny Lopez

Solon: RA 11648 malaki maitutulong para protektahan mga kababaihan

Mar Rodriguez Mar 25, 2022
311 Views

NANINIWALA ang isang Metro Manila solon na malaki ang maitutulong ng Republic Act No. 11648. Ang batas kung saan, itinaas ang edad ng isang biktima ng panggagahasa o “sexual consent” para magkaroon ng mas matibay na proteksiyon ang mga kababaihan.

Sinabi ni Manila 1st Dist Rep. Manny Lopez, isa sa mga principal authors ng RA No. 11648, ikinagagalak niya ang pormal na pagsasabatas nito na kilala bilang “An Act providing for stronger protection against rape and sexual exploitation and abuse” upang protektahan ang mga kababaihan laban sa sexual na pang-aabuso.

Ipinaliwanag ni Lopez na ang pangunahing makikinabang aniya sa naturang batas ay ang mga kababaihan mula sa mahirap na komunidad tulad sa Tondo, Manila. Kaya napakahalaga na napalawig ng pamahalaan ang proteksiyong sinasaklaw ng Ra no. 11648.

Ayon sa kongresista, partikular na dito ang mga menor de edad o ang mga batang biktima na malimit na nagiging biktima ng iba’t-ibang uri ng seksuwal na pang-aaabuso.

Sa ilalim ng RA no. 11648, ang anumang uri ng seksuwal na pang-aabuso na gawin sa isang menor de edad na mababa sa 16 anyos ay maituturing na panghahalay o rape.

Taliwas naman sa unang isinasaad ng batas na kailangan pa munang mas mababa sa 12 anyos bago ito ituring na rape.

“Any sexual act commtted against minors under sixteen years of age with certain exceptions is now automatically treated as rape. Under the out dated previous law, the offended party had to be under twelve years of age,” ayon kay Lopez.