South Cotabato South Cotabato-Bicol game sa MPBL.

South Cotabato niyanig ang Bicol

Robert Andaya May 29, 2024
146 Views

NAGSANIB pwersa sina Jammer Jamito, Enzo Joson at Jervy Cruz para gabayan ang South Cotabato Warriors sa 82-68 panalo laban sa Bicol Oragons sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Si Jamito, na dating naglaro sa NAASCU champion St. Clare College, ay nagtala ng 18 points at seven rebounds para sa ika-pitong panalo sa 10 laro sa 29-team tournament na itinataguyod ni Sen. Manny Pacquiao at Commissioner Kenneth Duremdes.

Nagpasikat din sina Joson, na may 12 points, five assists, three rebounds at two steals, at Cruz, na may 10 points at four rebounds, para sa Warriors ni coach Elvis Tolentino.

Lumamang pa ang South Cotabato ng 25 puntos, 77-52, bago natapyas ito ng Bicol sa tulong ng 14-point cluster na pinangunahan ni Charles Burgos.

Nalugmok ang Bicol sa ika-sampung talo sa kanila ng 15 points at nine rebounds ni Burgos at 15 points ni Shaquille Alanes.

The scores:

South Cotabato (82) — Jamito 18, Joson 12, J.Cruz 10, M.Cruz 8, Tolentino 7, Fajarito 7, Dionisio 7, Dumapig 5, Elorde 3, Landicho 3, Acuna 2, Rodriguez 0, Mahaling 0, Lantaya 0, Apreku 0.

Bicol (68) – Burgos 15, Alanes 15, Lao 9, Reyes 7, Deles 6, Javier 6, Macaballug 3, Santos 2, Ng Sang 2, Casajeros 2, Velvez 1, Llarena 0, Alfonoso 0, Rojas 0, Manzanilla 0.

Quarterscores: 20-13, 35-26, 63-41, 82-68.