Chiz1

SP Chiz pinapagpapaliban impeachment presentation para matalakay ibang urgent bills

28 Views

UPANG bigyan prioridad ang mahahalagamg batas na hinahabol sa takdang panahon, nais ni Senate President Francis “Chiz” G. Escudero na ipinagpaliban sa Hunyo 11, 2025 ang presentasyon ng Articles of Impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte upang bigyang-daan ang pagtalakay ng mga mahahalagang panukala batas bago ang pagtatapos ng 19th Congress.

Sa kanyang liham kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez noong Mayo 29, 2025—na may kopya ring ipinadala sa opisina ni VP Duterte—binigyang-diin ni Escudero na may hindi bababa sa 12 panukalang batas na kinakailangang maipasa sa natitirang anim na araw ng sesyon bago ang sine die adjournment sa Hunyo 14.

Kabilang sa mga prayoridad na batas na tinalakay sa pulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ang sumusunod: Amyenda sa Foreign Investors’ Long-Term Lease Act, E-Governance Act, Open Access in Data Transmission (Konektadong Pinoy Act), Rationalization of the Fiscal Mining Regime, Amyenda sa Universal Health Care Act, Virology Institute of the Philippines, Government Optimization Act, Amyenda sa Right-of-Way Act, Pagpapatakda ng termino ng mga barangay at SK officials, Judicial Fiscal Autonomy, Denatured Alcohol Tax, atAnti-POGO Act.

“Ito ay alinsunod sa layunin ng administrasyon na ipatugma ang mga gawain ng pamahalaan sa pangangailangan at inaasahan ng mamamayan,” ani Escudero.

“With only six session days before the sine die adjournment, it is imperative for the Senate and the House of Representatives to prioritize the passage of these measures…”

Dagdag pa rito, tinukoy ng Senado ang higit 200 presidential appointments na kailangan ding aksyunan, kabilang ang 3 miyembro ng gabinete, 4 na opisyal ng constitutional commissions, 39 na opisyal ng foreign service, at 277 opisyal mula sa Armed Forces of the Philippines.

Ang orihinal na iskedyul ng presentasyon ng Articles of Impeachment ay sa Hunyo 2, 2025. Ang hakbang na ito ay mahalagang yugto sa pagsisimula ng pormal na paglilitis sa Senado bilang impeachment court.

Sa sandaling maiprisenta sa plenaryo, maaari nang buuin ng Senado ang sarili bilang impeachment court upang simulan ang paglilitis laban kay VP Duterte.