Lianne Lianne Valentin

Sparkle stars nakapagtapos ng kolehiyo

Aster A Amoyo Jun 4, 2024
98 Views
Shaira
Shaira Diaz

NAKAPAGTAPOS na rin sa kolehiyo ang Sparkle stars na sina Lianne Valentin at Shaira Diaz.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Lianne ang ilang clip at mga larawan mula sa kanyang graduation ceremony, na dinaluhan ng kanyang mga magulang.

“She a degree holder now. After 4 years, I can finally declare myself a student no more!!,” saad ng aktres.

“Thank you for everything parentals. love you both,” dagdag pa ng “Royal Blood” star sa kanyang mga magulang.

Ayon sa ulat ng GMA Entertainment, kumuha si Lianne ng Business Administration, na may major sa Human Resources Management.

Bumida si Lianne sa nakaraang mystery-drama series na “Royal Blood” kasama sina Dingdong Dantes, Mikael Daez, Megan Young at marami pang iba. Bumida rin siya sa 2022 Kapuso series na “Apoy Sa Langit.”

Samantala, ibinahagi rin ni Shaira Diaz ang ilang eksena sa pagkuha ng kaniyang graduation picture, tanda na magtatapos na rin siya sa kolehiyo.

Sa kaniyang Instagram stories, makikita na nakasuot si Shaira ng formal suit at pants habang ngumingiti sa kamera.

“This is finally happening,” saad niya.

Nag-aral naman si Shaira ng marketing and management sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City.

Moira unang Pinay artist na may 2 bilyon streams

Moira dela Torre
Moira dela Torre

UMABOT na sa dalawang bilyon ang streams ni Moira Dela Torre sa Spotify.

Sa Instagram, pinasalamatan ng “Tagpuan” singer ang kaniyang fans and supporters sa nakamit na tagumpay.

“Today, you guys made me the first Filipino artist and the first Filipina artist to reach 2 billion streams on Spotify,” saad ni Moira.

“Thank you,” dagdag niya. “TWO BILLION TIMES THANK YOU.”

Sa comments section, binati si Moira ng kaniyang celebrity friends kabilang sina Marjorie Barretto, KC Concepcion, at “It’s Showtime” host Jhong Hilario.

Bukod kay Moira, naka-2 billion stream din ang Ben&Ben sa Spotify.

Sa nakalipas na anim na taon mula 2017, kabilang si Moira sa most streamed female artist sa Spotify Philippines.

Bukod sa tagumpay niya sa streaming platform, si Moira lang ang tanging Filipino nominee sa MTV Europe Music Awards.

Kabilang sa mga hit song ni Moira bukod sa “Tagpuan,” ang “Paubaya,” “Ikaw at Sila,” at “Hilom.

Panganay ni Nino sariling sikap

Nino
Nino Muhlach
Sandro
Sandro Muhlach

PROUD na ikinuwento ng dating child star na si Niño Muhlach sa Fast Talk with Boy Abunda ang ginawang pagsisikap ng kaniyang panganay na anak na si Sandro Muhlach upang makapasok sa showbiz.

Sa episode ng nasabing programa ngayong Lunes, nakakuwentuhan ng batikang TV host na si Boy Abunda ang mag-aamang sina Niño, Sandro, at Alonzo Muhlach.

Kuwento ni Niño, sariling sikap ang ginawa ni Sandro upang maging artista. Sa katunayan, hindi nito ginamit ang pagiging Muhlach nang mag-audition siya sa Sparkle.

“One thing I admire about Sandro, hindi ko siya tinulungan pumasok sa showbiz. Sabi ko, ‘Kung gusto mong mag-artista, sige mag-artista ka, bahala ka, basta hindi ako tutulong sa’yo.’ Pero nakita ko talaga na nag-audituion siya, he went through ‘yung normal na kailangan niyang pagdaanan para mag-artista and nakuha siya ng Sparkle GMA Artist Center so ‘yun proud ako sa kaniya ro’n.”

Ayon naman kay Sandro, bata pa lamang siya ay gusto niya nang maging proud sa kaniya ang kaniyang ama na si Niño.

“Bata pa lang ako ‘yun na ‘yung goal ko ‘yung maging proud po sa akin ang papa ko. No’ng pagka-graduate mas nagkaroon ako ng fuel to make him proud, nag-artista ako, ginawa ko ‘yung best ko sa lahat ng bagay,” ani Sandro.

Dagdag pa niya, mas gusto niyang simulan ang kaniyang career gamit ang kaniyang talento at hindi ang pagiging anak ng isang celebrity.

“Hindi po alam ng Sparkle. I think mas gusto ko po ‘yung thrill na I’m on my own. Ayoko po gamitin na porke’t Muhlach ako parang nepotism na po agad, I don’t want that. Gusto ko lang po on my own talent,” anang binatang aktor.