Calendar
Speaker Martin Romualdez tiniyak na hindi mapag—iiwanan mga Pinay sa Digital Public Infrastructure ni PBBM
TINIYAK ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na hindi mapag-iiwanan ang mga Pinay patungkol sa “Digital Public Infrastructure” (DPI) na isinusulong ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. dahil mahalaga para sa Pilipinas ang tagumpay ng mga kababaihan.
Ito ang sinabi ni Speaker Romualdez matapos nitong marinig ang naging pahayag ng philanthropist at woman advocate na si Melinda French Gates sa lecture ng World Bank – International Monetary Fund (WB-IMF) Spring Meetings sa Estados Unidos (US) kabilang ang ilang kongresista.
Ayon sa House Speaker, napakahalaga para sa isang modernong lipunan tulad ng Pilipinas ang papel at tagumpay ng mga kababaihan. Kung kaya’t pinahahalagahan din ng administrasyong Marcos, Jr. ang tungkuling kailangang gampanan ng mga Pilipinang kababaihan.
Ipinaliwanag pa ni Romualdez na aminado rin si Melinda French Gates sa importansiya ng Digital Public Infrastructure para sa “women’s empowerment na magbibigay sa mga kababaihan ng capital at maraming opportunities kabilang na ang pagbibigay sa kanila respeto.
Sinabi pa ni Speaker Romualdez na ang pinaghugutan ng kaniyang pahayag patungkol sa mga kababaihan at nagbigay din sa kaniya ng inspirasyon ay ang lecture ni French Gates na siyang co-founder ng Bil at Melinda Gates Foundation na isa sa pinakamalaking charitable organizations sa mundo.
Kasabay nito, tiniyak din ni Speaker Romualdez na lalo pang magiging masigasog ang Kamara de Representantes upang mapalawig ang economic security relations sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Sinabi ng House Speaker na layunin nito na lalo pang mapaigting ang trade at investment cooperation ng Pilipinas at US kanilang na ang pagkakaroon ng maraming oportunidad para sa tinatawag na sustainable growth.