Martin1

Speaker Romualdez: Biyahe ni PBBM sa US ‘most productive,’ ‘most successful’

160 Views

INILARAWAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ‘most productive’ at ‘most successful’ sa pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas at Amerika ang pinakahuling biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Amerika.

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng sesyon, nagbigay ng ulat si Speaker Romualdez kaugnay ng naging biyahe nila ni Pangulong Marcos.

“I’m proud to say that we, in conjunction with the Executive, had done our work with our counterparts in Capitol Hill in furthering and in enhancing and in deepening the relationships between the two countries, the Philippines and the United States long historical allies particularly during this period of uncertainty, post-COVID and the tensions that affect our region,” sabi ni Speaker Romualdez.

Kasama si Speaker Romualdez sa pakikipagpulong ni Pangulong Marcos kina US President Joe Biden, US Vice President Kamala Harris, US Defense Secretary Lloyd Austin, at mga opisyal ng Central Intelligence Agency (CIA).

Kasama rin sa biyahe sina Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr., at House Committee on Information and Communication Technology chairperson Rep. Tobias “Toby” Tiangco.

Sa nalalabing bahagi ng unang regular session ng 19th Congress, sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na tututukan ng Kamara ang mga panukala na kailangan ng administrasyong Marcos sa pagpapabuti sa kalagayan ng mga Pilipino.

“As we face the remainder of the First Regular Session, we have merely four weeks to complete our legislative agenda that has been prescribed by no less than our President in his first SONA plus those that have been identified as priority measures in the LEDAC (Legislative Executive Advisory Council),” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Nauna ng sinabi ni Speaker Romualdez na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang dagdag na 11 panukala sa LEDAC priorities.

“I implore all of you to continue the hard work that has now become the hallmark of the 19th Congress, a most hard-working and diligent Congress we have been. And I believe that we can still do much, much more in the furtherance of the interest of the Filipino people.

Maraming maraming salamat sa trabaho, sa paglingkod ninyo sa bayan. Mabuhay po ang Kongreso. Mabuhay po kayong lahat,” dagdag pa ni Romualdez.