Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Martin1 ARAW NG BOTOHAN – Bumoto si Leyte 1st District Representative at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kanyang polling precinct sa V&G Dela Cruz Memorial Elementary School sa Tacloban City hapon ng Lunes. Tumatakbo si Speaker Romualdez nang walang kalaban para sa panibagong termino sa Kongreso, kung saan siya’y nagsilbi ng limang termino mula noong 2007. Mga kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez bumoto sa Tacloban, nanawagan sa mga Pilipino na ipagtanggol ang demokrasya

17 Views

Martin2BUMOTO si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Tacloban City at nanawagan sa mga Pilipino na ipagtanggol ang demokrasya sa pamamagitan ng pagboto sa mga lider na tunay na naglilingkod at nagsusulong ng pambansang pag-unlad.

“Every vote is a declaration of hope. It’s a stand for good governance, unity, and a better Philippines,” ani Speaker Romualdez, pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) at abogado mula sa University of the Philippines, matapos bumoto sa Precinct No. 0480B sa V&G Dela Cruz Memorial Elementary School.

“I urge every Filipino to vote with conviction and with the future in mind,” dagdag pa ni Speaker Romualdez, pinuno ng 306-kinatawan ng Kamara de Representantes.

Tumatakbo si Speaker Romualdez nang walang kalaban para sa panibagong termino sa Kongreso, kung saan nagsilbi na siya ng limang termino mula pa noong 2007.

Ang kanyang muling pagkakaluklok ay patunay ng patuloy niyang pagsisilbi sa kapakanan ng kanyang mga nasasakupan sa distrito kung saan nagsimula ang kanyang karera sa serbisyo publiko

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng 2025 midterm elections sa pagtukoy sa direksyon ng Bagong Pilipinas agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“These elections are about continuity and change—continuity of the reforms we’ve started, and change that uplifts every Filipino family,” ani Speaker Romualdez.

Sa panahon ng kampanya, hinikayat niya ang mga taga-Eastern Visayas na suportahan ang mga kandidato sa pagkasenador ng administrasyon sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas, binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga ito bilang mga piniling katuwang ng Pangulo para sa pagpapatupad ng kanyang Agenda for Prosperity.

“Let us vote not just with emotion, but with purpose and discernment,” giit ni Speaker Romualdez.

Bilang pinuno ng Kamara, pinangasiwaan niya ang pagpasa ng mahahalagang batas para sa modernisasyon ng agrikultura, pagpapalawak ng access sa edukasyon at serbisyong pangkalusugan, pangangalaga sa soberanya ng bansa, at laban kontra katiwalian at disimpormasyon.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang mga darating na taon ay kritikal sa pagpapanatili ng pagbangon ng ekonomiya ng bansa at sa pagpapalakas ng mga institusyon, lalo na sa harap ng mga banta sa seguridad sa rehiyon at buong mundo.

“What we decide at the polls will echo far beyond today. Now more than ever, we need leaders who will act decisively, legislate responsibly, and serve selflessly,” diin niya.

Hinimok din ni Speaker Romualdez ang mga botante na manatiling mapagbantay at tiyakin ang integridad ng halalan, sabay paalala na ang demokrasya ay yumayabong kapag ang mamamayan ay may sapat na kaalaman, aktibong kalahok at matapang na lumalaban para sa tama.

“This is our moment to show that democracy works—and that the Filipino people are its strongest defenders,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.