Calendar

Speaker Romualdez: Kamara suportado pagpapalakas ng National Prosecution Service
TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga prosecutor, na mas tinatawag na piskal, na suportado ng Kamara de Representantes ang mga hakbang na lalong makakapagpalakas sa National Prosecution Service.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pagtitiyak sa ika-34 na national convention at ika-17 national election ng Prosecutors’ League of the Philippines na ginanap sa Marriott Hotel sa Pasay City.
Kasama ni Speaker Romualdez bilang guest sa event sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Prosecutor General Richard Anthony Fadullon.
Bilang isang abogado na nagtapos sa University of the Philippines (UP), sinabi ni Speaker Romualdez na mayroon siyang koneksyon sa mga taga-usig.
“I may not have chosen the courtroom path that many of you walk every day, but I understand and deeply respect the discipline, the sacrifice, and the silent courage it takes to pursue justice—case after case, day after day,” ani Speaker Romualdez.
“You carry out your mission away from the spotlight, but your work lights the way for a more just society. In cities and in far-flung areas, in high-profile cases and in those known only to victims and their families—you speak for those who cannot speak for themselves. You stand up for the rule of law, and more importantly, for the dignity of every Filipino,” dagdag pa niya.
Dahil dito, binigyang-diin niya na nananatili ang pangako ng Kamara na susuportahan at palalakasin ang National Prosecution Service.
“You deserve not just recognition, but real, tangible support,” aniya.
Sinabi ni Speaker Romualdez na noong siya ay House Majority Leader, pinangunahan niya ang pagpasa ng Republic Act No. 11643 o ang Survivorship Law for Prosecutors.
“That law closed a painful gap—finally giving the surviving spouses and children of prosecutors the same rights long granted to other members of the justice system. It was the right thing to do.
And it was just the beginning,” sabi niya.
“Today, I stand before you to say: our commitment continues,” dagdag niya.
Sinabi rin ng Speaker na isinusulong sa Kamara ang agarang pagpasa ng Hazard Pay for Public Prosecutors Act, isang panukalang batas na kumikilala sa panganib na kinakaharap ng mga taga-usig kaugnay ng kanilang trabaho.
“Whether you are handling cases involving drug syndicates, terrorism, human trafficking, or corruption, the risk is real. And so, too, should be the support,” aniya.
Ipinabatid din ni Romualdez sa mga prosecutor na sinusuportahan ng Kamara ang pagpasa ng House Bill No. 117, na inihain ni Cavite Rep. Roy Loyola, upang itaas ang salary grade at benepisyo ng mga taga-usig sa antas ng mga nasa hudikatura.
“This is not just about compensation—it’s about fairness and respect. Beyond that, the House is reviewing proposals to improve your retirement benefits, security assistance, and logistical support.
These are not favors. These are investments in the people who hold the justice system together,” paliwanag niya.
“Mga kasama ko sa serbisyo publiko, I know that you did not enter this profession to seek the limelight or the applause. You do what you do because you believe in the law, in justice, and in the good it can do for our country. But let me say this clearly: you are not forgotten. And under our watch, you will no longer be the unsung heroes of the justice system,” aniya.
Dagdag pa niya, mananatiling kaisa ng mga taga-usig ang Kamara sa paggawa ng mga batas, polisiya at iba pang hakbang upang mapalakas ang mga institusyon ng hustisya sa bansa.
“Because when we support our prosecutors, we strengthen our democracy,” aniya.
Binigyang-diin din ng Speaker na ang pagtitipon ng mga taga-usig ay hindi lamang pagdiriwang ng kanilang mga nagawa kundi isang paalala na marami pa silang maaaring magawa nang sama-sama.
“Let us continue to build a justice system that is firm but fair, compassionate but strong. A justice system that restores trust and inspires hope. At sa pagtataguyod natin ng Bagong Pilipinas, we will make sure that those who uphold the law will be upheld by the State in return,” pagtatapos ni Romualdez.