Martin

Speaker Romualdez kinilala dagdag suporta ng PhilHealth sa mga may breast cancer

Mar Rodriguez Mar 5, 2024
194 Views

KINILALA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang desisyon ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na dagdagan ang benefit package para sa mga breast cancer patient, kasabay ng paggiit nito na palawigin ang iba pang health package at serbisyong ibinibigay nito kasama ang proseso para sa early detection ng kanser.

Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag matapos na ianunsyo ng PhilHealth na itinaas ng 1,400 porsyento ang “Z benefit package” para sa mga breast cancer patient, na nangangahulugan na mula P100,000 ay magiging P1.4 milyon na ang halaga ng benepisyong ito.

“We applaud PhilHealth for its substantial increase in support for breast cancer patients, marking a significant stride towards advancing healthcare,” ani Speaker Romualdez.

“Moreover, expanding other benefits and services, particularly in early cancer detection for timely interventions, is essential to ultimately enhance accessibility to cancer care and for addressing other diseases,” dagdag pa nito.

Kinilala ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na matugunan ang pangangailangan ng mga breast cancer patient at pinuri ang PhilHealth sa hakbang nito upang mapaganda ang benefit package para sa kanila.

“The decision of PhilHealth to increase the benefit package for breast cancer patients is a commendable move as it will undoubtedly alleviate the financial burden faced by patients and their families during their battle against this life-threatening disease,” saad pa ni Romualdez.

Iginiit naman ng lider ng Kamara ang kahalagahan ng early detection upang tumaas ang survival rate ng isang indibidwal na may kanser kaya hinimok nito ang PhilHealth na isama ang comprehensive cancer screening programs sa mga benepisyo na kanilang ibinibigay.

“While increasing the benefit package for breast cancer patients is a commendable step, we must not overlook the importance of early detection in saving lives. I encourage PhilHealth to consider expanding the package to cover the cost of cancer screenings, enabling early detection and intervention,” giit ni Speaker Romualdez.

Ang breast cancer ay isa sa pangunahing kanser sa bansa at patuloy na tumaas ang bilang ng mga nagkakaroon nito.

Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagkakaroon ng komprehensibong suporta sa mga pasyenteng may kanser upang epektibong malabanan ang sakit.

“Breast cancer affects not only the physical health but also the emotional and financial well-being of patients. We must ensure that our healthcare system is equipped to provide comprehensive support to those affected,” punto ni Speaker Romualdez.

Bukod sa pagtataas ng benepisyo para sa mga breast cancer patient, inanunsyo rin ng PhilHealth na itataas ng 30 porsyento ang lahat ng benefit package para sa mga miyembro nito.

Ang desisyon ng PhilHealth ay akma sa pagnanais ni Speaker Romualdez na maging accessible at abot kaya ang pagpapagamot sa bansa. Ang kanyang pagsusulong na mapalawig ang benefit packages at serbisyo ay nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa pagpapabuti ng healthcare service sa bansa.

Noong nakaraang buwan, inatasan ni Speaker Romualdez ang House Committee on Health na repasuhin ang Charter ng PhilHealth upang makahanap ng paraan kung papaano mapagaganda ang benepisyo at serbisyo para sa mga pasyente at maisama ang early cancer detection sa mga ibinibigay nitong benepisyo.

Ang pagrepaso sa Charter at naglalayong itaas sa 50 porsyento ang sasaguting gastos ng PhilHealth sa mga pribadong ospital at gawing libre ang cancer early detection screening gaya ng x-ray para sa lung cancer, mammography para sa breast cancer, at HPV vaccine para maiwasan ang cervical cancer.

Nais ni Speaker Romualdez na ang PhilHealth ay maging katulad ng mga pribadong health maintenance organization o HMO.

“With substantial annual allocations from Congress and regular contributions from private employees, there is no excuse for PhilHealth to scrimp on coverage. The effectiveness of the Universal Health Care system depends on our ability to provide for our citizens, ensuring they receive the medical attention and preventive care they deserve,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ng mga opisyal ng PhilHealth sa pangunguna ni President at CEO Emmanuel Ledesma Jr. na tutugon ang ahensya sa direktiba ni Speaker Romualdez na pagandahin ang serbisyo at benepisyong ibinibigay nito.

Bukod sa pagpapataas ng benepisyo para sa mga pasyenteng may kanser, sinabi ni Ledesma na itinaas din ng ahensta ang iba pang benefit package para sa mga pasyente.

Gaya umano ng High Risk Pneumonia na mula P32,000 ay itinaas sa P90,100 o 182% pagtaas. Acute Stroke Ischemia na mula P28,000 ay naging P76,000 o 171% pagtaas, samantalang ang Acute Stroke Hemorrhagic ay ginawa ng P80,000 mula sa P30,000 o 111% pagtaas.

Sinabi ni Ledesma na ang Z Benefit Package para sa colon at rectal cancer at pinaganda rin at maaari nang makuha ng mga pasyenteng may metachronous colorectal tumors ang parehong package para sa colon at rectal cancer treatment.

Binago na rin ng PhilHealth ang kanilang polisiya sa piling orthopedic implants upang maaari ng makakuha ng benepisyo ang isang miyembro ng dalawang Z benefit packages kahit pa sa iisang araw o sa magkahiwalay na petsa isasagawa ang operasyon.

Layunin ng pagbabago sa polisiya ng PhilHealth na mabawasan ang delay sa pagsasagawa ng surgery sa mga piling orthopedic implant.