Speaker Romualdez kinilala mga nagawa ni Gov Padilla

Mar Rodriguez May 11, 2023
129 Views

KINILALA ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga nagawa ni Nueva Vizcaya Gov. Carlos Padilla na ilang ulit na umupo bilang kongresista.

Isang Requiem Mass na sinundan ng Necrological Service ang isinagawa para kay Padilla na pumanaw noong Mayo 5.

Sa kanyang eulogy na binasa ni Deputy Speaker Camille Villar, sinabi ni Speaker Romualdez na maraming nagawa si Padilla sa Kongreso at sa kanyang mga kababayan.

“As a seasoned statesman, Honorable Caloy Padilla exhibited a sterling lineup of accomplishments which elevated the standards of public service. His impressive political career spanned five decades, nearly 30 years of which he served as an accomplished legislator,” sabi in Speaker Romualdez.

Natatangi rin umano ang adbokasiya ni Padilla sa sektor ng edukasyon, kultura, at kalikasan.

Dumalo rin sa necrological service sina dating Speaker Feliciano Belmonte Jr. at dating Speaker Jose de Venecia Jr.

“In 2001 during the most crucial moments of the 11th Congress, where I ran as Speaker, his friendship and support was pivotal in securing our victory. As a recognition of his leadership, we elected Caloy as Deputy Speaker for Luzon,” sabi ni Belmonte.

Sa Kamara, ayon naman kay de Venecia si Padilla ay naging Deputy Speaker, Minority Leader at miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments at House Electoral Tribunal.

Nagbigay din ng tribute sina dating Rep. Saturnino “Satur” Ocampo, Gerardo Calderon, Samuel Verzosa Jr., Reps. Edcel Lagman at Eduardo “Bro. Eddie” Villanueva, House Minority Leader Marcelino Libanan, at Sen. Robinhood Padilla.

Nagpasalamat ang pamilya ni Padilla sa Kamara.

Tinanggap din nila ang kopya ng House Resolution 949 na nagpapahayag ng pakikiramay ng Kamara sa pamilya ng gubernador.