Martin1

Speaker Romualdez: Mahusay ang pamamalakad ni PBBM sa ekonomiya ng Pilipinas

Mar Rodriguez May 12, 2023
206 Views

BINIGYANG diin ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na mahusay ang pamamalakad ng administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa ekonomiya ng Pilipinas bunsod ng pag-arangkada at pag-unlad nito sa unang quarter ng 2023.

Sinabi ng House Speaker na hindi nila inaasahan na mas mataas pa ang naging arangkada at pag-angat ng ekonomiya ng bansa sa unang quarter pa lamang ng kasalukuyang taon.

Ang pahayag ni Speaker Romualdez ay alinsunod sa report na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakita na nagkaroon ng “economic growth” o pag-unlad sa ekonomiya sa pamamagitan ng 6.4% sa unang tatlong buwan ng 2023.

Kasabay nito, tiniyak din ni Romualdez sa mamamayang Pilipino na mananatiling nasa mataas na antas ang “economic growth” ang Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos, Jr.

Idinagdag pa ng Speaker na upang ilagay sa kontexto ang 6.4% economic growth na inilabas ng PSA data, sinabi nito na lumaganap o nag-expand ang pag-unlad ng ekonomiya ng 7.6% sa 3rd quarter at 7.2% naman noong 4th quarter ng 2022 ng muling magbukas at maka-recover ang ekonomiya ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

“The average economic expansion during that period is 7.07 percent which is a respectable growth rate that is slightly higher than the median of last year’s growth target of 6.5 percent and 7.5 percent. So the economy is in good hands,” ayon kay Speaker Romualdez.