Martin4

Speaker Romualdez nagalit 5 pulis escort ni Degamo na hindi pumasok noong patayin si Gov. Degamo.

184 Views

NAGALIT si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kaya ipapatawag niya sa Kongreso ang limang pulis escort ng pinaslang na gobernador na si Roel Degamo.

Base kasi sa inisyal na report na natanggap ni Speaker Romualdez, hindi pumasok ang limang pulis bodyguard, na nakatalaga kay Degamo noong araw na pinaslang ang opisyal.

Ayon sa nagngingitngit sa galit na lider ng kongreso, “mga security sila ng opisyal tapos hindi sila papasok gayong alam nila na may banta sa buhay ni Gob. Degamo dahil sa away pulitika sa lugar.”

Sinabi pa ni Romualdez, “alam na alam ng mga ang gunman na hindi papasok ang mga security escort ni Gob. Degamo kung kaya’t madali nilang napsok ang bahay ni Gob at nasagawa ang karumal-dumal na krimen.”

Dagdag pa ng representative mula sa 1st district ng Leyte, binigyan ng anim na police bodyguard si Degamo matapos mag-report ito kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos hinggil sa mga death threats na natatanggap niya.

“Dapat ang tanong sa mga pulis bodyguard na ito kung ano ang dahilan at hindi sila pumasok sa araw ng masaker?” dagdag pa ni Romualdez.

Ayon pa kay Speaker Romualdez, ang pagpatay kay Governor Degamo ay kahalintulad ng pagpatay din kay dating AKO Bicol Congressman Rodel Batocabe noong 2019.

Tumatakbong alkalde ng Daraga, Albay si Batocabe at may mga banta sa kanyang buhay mula umano sa incumbent Mayor na si Carlwyn Baldo.

No show din ang mga pulis escort ni Batocabe sa araw na siya ay paslangin.

Dahil dito, muling babalikan ng Kongreso ang kaso ng pagpatay sa dati nilang kasamahan na si Batocabe, in aid of legislation, at para hindi na maulit pa ang ganitong mga kaso.

“And if we find out in this congressional inquiry na may tumanggap sa PNP ng areglo para magbulag-bulagan at hindi papasukin ang mga escort ni Degamo. We will recommend the filing of charges against these officials kahit sino pa sila,” ani Romualdez.