Martin

Speaker Romualdez: PH matagumpay na naipakilala sa WEF bilang investment hub

167 Views

MATAGUMPAY umanong naipakilala ang Pilipinas sa mga kalahok ng World Economic Forum (WEF) bilang isang investment hub.

Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na isa sa miyembro ng opisyal na delegasyon ng Pilipinas sa WEF na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi ni Romualdez na maraming kompanya ang nagpahayag ng interes na magnegosyo sa Pilipinas.

“I think the delegation that came to Davos actually impressed the Davos attendees. (The) … substantial delegation actually demonstrated how the Philippines, the President, his official family, the economic managers, alongside the top businessmen and women, showed a united front to the entire world. It really impressed and was not lost in Davos,” ani Speaker Romualdez.

“So people took notice of it and said that it’s obvious that the Philippines is back. We are open for business, we are here listening and we are inviting everyone to see why the Philippines would be the best destination to invest,” sabi pa ng lider ng Kamara.

Kasama umano sa mga kompanya na interesado na magnegosyo o magdagdag ng puhunan sa bansa ang mga investment giant na Morgan Stanley, BlackRock, Ferrovial at Sequoia.

“So the list goes on. It’s just amazing experience to have the Philippines in Davos, it is an event in itself,” sabi pa ni Speaker Romualdez. “Because it goes to show you that the Philippines, being the star of this year especially in this Davos conference, will definitely show the world that not only are we open for business but … under the leadership of President Marcos, leading the Filipinos, the best workers in the world are here.”

Nagpahayag din umano ng interes ang mga lumahok sa WEF na isinagawa sa Davos, Switzerland sa itinutulak na Maharlika Investment Fund.

Si Romualdez ang principal author ng MIF na inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa noong Disyembre.

“So we demonstrate at the WEF and to the world that the President is joined with his economic managers in the Executive alongside with the leaders from the Legislature and we are working and marching in lockstep with him,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Ayon sa lider ng Mababang Kapulungan nakinig ang delegasyon ng Pilipinas sa mga bagay na isinasaalang-alang ng mga negosyante sa panukalang MIF para matiyak na sumusunod ito sa international investment environment. Nina RYAN PONCE PACPACO 7 ROY PELOVELLO