BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Mag-jowa wiz visible sa socmed mga ganap
Feb 23, 2025
Calendar

Nation
Speaker Romualdez pinabulaanan socmed balita na may sakit siya: “Malakas, refreshed ako”
Peoples Taliba Editor
Dec 8, 2024
119
Views
MARIING pinabulaanan ni House Speaker Martin Romualdez ang kumalat na balita sa social media na na-stroke daw ito.
Sa isang interview nito lamang weekend, sinabi ng lider ng Kongreso, “I feel very strong and energetic”.
“As a matter of fact manonood nga kami ng sine ng pamilya ko today,” ani Speaker Romualdez.
Aniya nakapagpahinga daw siya ng buong araw kaya “refreshed na refreshed” ito.
“Mag-ingat po tayo sa fake news at wag na magpakalat ng fake news” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Payo nya sa mga kritiko, “Lets just work together lalo pa’t Pasko naman na ngayon”.
Ginawa ang interview kay Speaker Romualdez sa isang taping noong Sabado para sa Christmas message nito.