Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez pinuri Tacloban school na nag-top sa PT licensure exam

Mar Rodriguez Jun 21, 2023
192 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Tacloban-based Doña Remedios T. Romualdez Medical Foundation (DRTRMF), na kilala rin bilang Remedios T. Romualdez (RTR), matapos manguna sa katatapos na Physical Therapists Licensure Examination.

Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang dalawang estudyante ng RTR na nakapasok sa top 10 ng PT licensure exam. Ito ay sina Dodievic Arma na nasa ikalimang puwesto at Fatima Therese Doyon na nasa ika-10 puwesto.

“It gives me great pride whenever a school in my hometown achieves a remarkable feat in any event. And Doña Remedios T. Romualdez Medical
Foundation or simply RTR as it is called in Tacloban, have made all Taclobanons proud by placing first nationwide in the PT board exams,” ani Speaker Romualdez sa kanyang pagbati sa RTR partikular sa College of physical therapy na pinangungunahan ni Dean Jay Anthony Cañete.

“And it also gives me great pleasure to know that we have topnotchers in the city! This calls for a double celebration!” sabi ni Speaker Romualdez.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), 708 sa 1,026 examinee ang pumasa sa June PT licensure exam.

Nakapasa ang 35 sa 38 nagtapos sa RTR sa naturang pagsusulit kaya nanguna ito sa may pinakamataas na passing rate sa mga paaralan na mayroong 30 o higit pang examinees.

Ang lahat ng 33 first time taker ng RTR ay nakapasa.

“I congratulate the officials, faculty, employees and students of RTR for this wonderful achievement! It really goes to show the top-notch caliber of education in your institution. Keep up the good work of training excellence for years to come!” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Ang RTR ay itinayo noong 1980 sa inisyatiba ng ama ni Speaker Romualdez na si Leyte Governor Benjamin Romualdez. Isinunod ang pangalan nito sa nanay ng gubernador na si Remedios T. Romualdez.