Calendar
Speaker Romualdez sa PhilHealth: Pag-aralan kung maaaring sagutin dialysis meds
INATASAN ni House Speaker Martin Romualdez ang PhilHealth na pag-aralan kung maaari nilang sagutin na rin ang gamot na ginagamit sa pagpapa-dialysis ng mga diabetic patients.
Ayon kay House Deputy Majority Floor leader Erwin Tulfo, ito ang nais ng mga mambabatas sa Kongreso para mabawasan o tuluyan ng malibre ang gamot ng mga may acute diabetes sa bansa.
“4.5 milyong Pilipino ang may diabetes at halos kalahati nito ang nagpapa-dialysis ng isa hanggang tatlong beses isang linggo”, ani Cong. Tulfo.
Dagdag pa ng ACT-CIS Representative, “umaabot kasi ng P900 hanggang P1,500 ang injection pagkatapos ng dialysis session ng isang pasyente”.
Ayon kay Tulfo, “may instruction si Speaker Romualdez na pag-aralan agad ng PhilHealth kung papaano malibre o sagutin na lang nila ang gamot, totally”.
Maraming mga dialysis patients daw kasi ang lumapit na kay Romualdez para hilingin na gawin na lang libre ang gamot o makakuha sila ng discount man lang.
“Sabi ni Speaker sa kanila naiintindihan nya ang bigat ng gastusin sa halos araw-araw ng pagpapa-dialysis”, ayon kay Tulfo.
“The house leadership want to unload o bawasan itong pasanin sa pagpapa-dialysis”, ayon sa mambabatas.
Sa ngayon sinasagot na ng PhilHealth ang pagpapadialysis ng mga miyembro nito pero di pa kasama ang gamot.